Angara, kinatigan ang report ng World Bank na ang pagbibigay ng mataas na suweldo ang daan para makalaya mula sa kahirapan ang mga Pilipino
June 13, 2018

Kinatigan ni Senator Sonny Angara ang report ng World Bank na ang pagbibigay ng mataas na sweldo ang daan para makalaya mula sa kahirapan ang mga Pilipino.

Tinukoy din ni Angara ang record na noong 2015 ay umabot na sa 22 milyong mga Pilipino o one-fifth ng ating populasyon ang nasa ibaba ng national poverty line.

Katwiran ni Angara, malinaw na kahit umuunlad ang ating ekonomiya ay maayos na trabaho pa rin na may mataas na pasahod ang susi laban sa kahirapan.

Kaugnay nito ay kinikilala naman ni Angara ang inisyatibo ng administrasyong Duterte na mabigyan ng oportunidad para makapagtrabaho ang bawat Pilipino.

Patunay aniya nito ang survey ng Philippine Statistics Authority na nagsasabing bumaba sa 5.3 percent ngayong taon ang dating 6.6 percent unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa. | ulat ni Jojo Ismael