Ilang lugar sa Marikina City at Rizal Province, maaapektuhan ng paghina at pagkawala ng tubig mamayang gabi — Manila Water
May 17, 2018

Dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam, ilang lugar na pinagsisilbihan ng East La Mesa Treatment Plant ang inaasahang makakaranas ng paghina ng pressure at posibleng pagkawala ng tubig sa panahon ng peak hours simula mamayang gabi.

Ayon sa Manila Water Services, magpapatupad ito ng paglilipat ng water supply mula sa East La Mesa treatment plant patungo sa Southeast mainline na pasisimulan dakong alas 10 ng gabi.

Dahil dito, ilang barangay sa Marikina City at Lalawigan ng Rizal ang maaapektuhan sa gagawing adjustment.

Kabilang sa mga lugar na ito ang: Marikina,  Parang sa San Mateo Rizal,  Ampid 1, Ampid 2, Banaba, Burgos, Dulong Bayan 1, Dulong Bayan 2, Guitnangbayan 1, Guitnangbayan 2, Guinayang, Maly at Sta. Ana sa lalawigan ng Rizal.

Sa kasalukuyan nasa 72.11 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa dam. Mas mababa na sa 80.15 meters na normal elevation nito. | via Rey Ferrer