Isang kongresista, pinuna ang kakayahan ng DPWH foreign consultants sa MM flood control projects
May 24, 2019

Pinuna ngayon ni Marikina Rep. Bayani Fernando ang mga foreign consultants ng Department of Public Works and Highways (DPWH), dahil sa umano’y incompetence sa konstruksyon ng Marikina flood control system project at conflict of interest.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Works na pinamumunuan ni Fernando, pinuna ng kongresista ang presentasyon ng Japan International Cooperation Agency (JICA) hinggil sa flood control project.

Sinabi ni Fernando na hindi nakapagpakita ng isang malinaw na plano at disenyo ang mga consultants na lulutas sa problema ng pagbaha sa Metro Manila.

Aniya, bagamat matagal nang panahong nagmumula sa JICA ang pondo ng Marikina flood control system project, wala pa ring malinaw na solusyon na lulutas sa pagbaha sa Metro Manila.  | ulat ni Rene Tichangco