Meralco, magbabawas ng singil para sa Mayo
May 07, 2019

Sa abiso na ipinalabas ng Meralco, magkakaroon ng bawas-singil sa kuryente ngayong Mayo.

Mababawasan ng P0.34 sentimo kada kilowatt hour ang singil sa kuryente at mararamdaman ang bawas sa May bill ng mga consumer.

Ang bawas sa singil ay katumbas ng P55 na bawas sa mga may buwanang kunsumo na 200 kWh, P82 sa 300 kWh, P110 sa 400 kWh at P136 sa 500 kWh.  | ulat ni Janet Bayan