Mga tsuper at operators na interesado sa isinusulong na PUV modernization program, hinihikayat na kumonsulta sa DOTr one-stop shop
June 13, 2018

Hinihikayat ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang mga tsuper at operators na puntahan ang muling binuksan na PUV Modernization one-stop shop sa Columbia Tower sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City.

Sa pamamagitan nito ayon sa ahensya ay maaari silang kumonsulta hinggil sa isinusulong na modernisasyon ng gobyerno sa pampublikong transportasyon.

Kabilang dito ang mga paraan at proseso kung papaano maging miyembro ng isang transport cooperative at kung papaano makakakuha ng financial assistance mula sa pamahalaan.

Bukas ang naturang one-stop shop mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Batay sa inilabas na iskedyul ng DOTr, pwedeng kumonsulta sa kanila sa June 14, 20 at 22 habang sa susunod na buwan naman ay sa July 6, 13, 20 at 27. | ulat ni Shane Juan