Mungkahi ni dating Pres’l Spox Roque na itigil ang operasyon ng PhilHealth, hindi welcome sa Malacañang
June 11, 2019

Kontra ang Palasyo sa mungkahi ni dating Presidential Spokesperson  Harry Roque na pansamantalang itigil muna ng PhilHealth ang operasyon nito sa harap ng dialysis treatment scandal.

Diretsahang tugon  ni  Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi maganda ang pinalutang na ideya ng kanyang predecessor gayung tiyak aniyang maaaring maaapektuhan kung isususpinde pansamantala ang trabaho ng PhilHealth.

Simpleng sentido-kumo, ayon kay Panelo na kung matitigil ang operasyon ng isang public service outfit ay awtomatikong ang maaapektuhan dito ay mismong mga

Binigyang-diin ni Panelo na kung ang problema ay iregularidad, dun lang dapat  aniya ang puntirya sa halip na idamay ang buong operasyon ng isang institusyon.  Hindi aniya dapat na sunugin ang isang bahay na pinamamahayan ng maraming daga bilang solusyon kontra sa presensiya ng mga nabanggit na “mababait.”  | ulat ni Alvin Baltazar