Operational at running trains ng MRT3, 18 na
May 10, 2018

Inanunsiyo ngayong gabi ni Engr. Michael Capati, director for operations ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) na naiakyat na nila sa 18 ang kanilang operational at running trains.

Ayon kay Capati, huling nagkaroon ng ganitong kapasidad ang train line noong November 16 ng nakaraang taon.

Una nang ipinangako ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na unti-unti nilang patataasin ang bilang ng biyahe ng MRT-3 sa pagbili ng ahensya ng mga bagong spare parts ng tren.

Matatandaan noong Enero, maiuugnay sa kakulangan ng piyesang pamalit sa mga nasisirang bahagi ng tren ang kadalasang sanhi ng aberya sa operasyon.

Bunsod nito sadyang binawasan ang biyahe ng MRT-3 dahil karamihan sa kanilang bagon ay under repair o di kaya ay under maintenance. | via Shane Juan