Pamahalaan, babalangkas ng road map para maitaas sa single A ang credit rating ng bansa
May 08, 2019

Layon ng Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bumuo ng isang komite na babalangkas ng road map, upang makamtan ng pamahalaan ang inaasam na Single A credit rating.

Ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Guinigundo, kasunod ng pag-akyat ng credit rating ng bansa sa BBB+ mula sa BBB.

Ang credit rating ang tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na i-manage at bayaran ang kanilang mga utang.

Sa economic briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Guinigundo na ang agendang ito ay tatawaging “The Road to A”, kung saan, dapat ma-credit sa A rating ang efforts ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-address ng mga usapin na una nang binanggit ng S&P Global, tulad ng pagpapanatiling stable ng mga presyo ng pangunahing produkto, pag-aangat ng governance standard ng Pilipinas, pagpapataas ng capital income, at iba pa.

Sinabi naman ni Finance Secretary Sonny Dominguez, hindi ito malabong mangyari dahil naging maganda naman ang ekonomiya ng bansa sa 1st quarter ng 2019. | ulat ni Racquel Bayan