Parañaque Integrated Terminal Exchange, inaasahang magiging operational na simula sa susunod na buwan – DOTr
June 13, 2018

Inanunsiyo ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na 91.54% nang kumpleto ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at target itong pasinayanan sa susunod na buwan.

Ayon sa DOTr sa oras na maging operational, inaasahan na mababawasan ang bilang ng provincial buses partikular na ang mga nagmumula sa Cavite at Batangas na bumibiyahe sa Edsa, Baclaran at Taft Avenue.

Ang mala-airport terminal na may multi-level platforms ay sinasabing kayang serbisyuhan ang 200,000 pasahero kada araw.

Kabilang sa mga pasilidad nito ang passenger terminal buildings, unloading at loading bays, ticketing, baggage handling at park-ride facilities.

Maliban sa libreng WiFi at ikakalat na charging ports, kakabitan pa ng online booking ticketing system ang terminal para sa mas mabilis at pinadaling pagbiyahe. | ulat ni Shane Juan