Science information forum tungkol sa African Swine Fever, isinagawa ngayong araw
June 11, 2019

Isinagawa ngayong araw sa Lungsod Quezon ang ‘Science Information Forum’ tungkol sa African swine fever (ASF).

Sa pangunguna ng National Academy of Science & Technology  (NAST-Philippines) ng Department of Science and Technology, nagbahagi ng kaalaman ang mga eksperto mula sa Bureau of Animal Industry, UP Los Baños, Philippine College of Swine practitioners, at scientist and academicians ng NAST-DOST.

Kabilang sa tinalakay ang status ng African swine fever na virus na nakamamatay sa lahat ng uri ng baboy.  Ipinakita rin ang mga hakbang ng pamahalaan at pakikipagtulungan ng pribadong sektor para hindi makapasok sa bansa ang naturang sakit.

Layon rin ng ASF Science Information Forum na makakalap pa ng impormasyon o suhestyon na makakatulong sa pagbuo ng polisiya sa paglaban sa African swine fever.  | ulat ni Tess Ramirez