Transport groups, maghahain ng TRO laban sa LTFRB order na gagawing point-to-point ang operasyon ng UV Express
June 13, 2019

Kukuwestyunin ng transport group na Stop and Go Coalition ang memorandum circular na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, na nag-aatas na gawing point-to-point na ang operasyon ng UV Express sa bansa.

Ayon kay Stop and Go Coalition President Jun Magno, bahagi ito ng aniya’y mga ‘pahirap policy’ ng LTFRB, na malaki ang negatibong epekto sa mga tsuper, lalo na sa mga commuters.

Payag na rin aniya sila na magtakda na lamang ng selected stops, kung nagkaroon lang ng public hearing para dito.

Giit pa ni Magno, walang isinagawang konsultasyon ang regulatory agency para dito, dahil nauna muna ang paglalabas ng memo, bago ang moro-moro public hearing.

Dahil dito, magsasampa ngayong araw ang transport group ng temporary restraining order at writ of preliminary mandatory injunction sa Quezon City Regional Trial Court.

Una nang kinansela ng LTFRB nang 15-araw ang implementasyon ng kautusan pero, magsisimula nang manghuli ito ng UV Express sa Hunyo 15 sa lahat ng lalabag sa kautusan.   | ulat ni Rey Ferrer