AFP Chief, saludo kay Hidilyn Diaz sa pagkapanalo ng gintong medalya sa 2018 Asian Games 
August 22, 2018

Saludo si AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr. at ang buong Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Airwoman First Class Hidilyn Diaz sa pagkapanalo nito ng gintong Medalya sa women’s 53-kilogram event sa 2018 Asian Games weightlifting competition.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo sa isang statement matapos ang pinakahuling tagumpay ng premyadong atleta.

Ayon kay Arevalo, si Diaz ang symbolo ng sipag, tiyaga At dedikasyon, hindi lang ng bawat isang sundalo, kundi ng bawat Pilipino na nagtatagumpay sa harap ng matitinding paghamon.

Dagdag ni Arevalo, Ipinagmamalaki ng buong AFP ang tagumpay ni Airwoman Diaz sa kanyang karera, na umangat sa pandaigdigang katanyagan mula sa simpleng panimula.  | ulat ni Leo Sarne