Aiza Seguerra, nagsimula na sa hormone replacement therapy niya; K-Pop group na Momoland, bibisita sa bansa
June 23, 2018

Inamin ng singer na si Aiza Seguerra ang pangamba sa puhunang boses ngayong nagsisimula na siya sa hormone replacement therapy niya.

Ayon sa singer, hindi madali ang sugal na magkaroon ng pagbabago sa kaniyang pagkanta lalo’t ito ang bread and butter o ipinambubuhay niya sa kaniyang pamilya.

Gayunpaman, ani Aiza, bahagi ito ng transition na pinagdadaanan niya mula nang lumabas siya at aminin sa publiko ang kaniyang tunay na sekswalidad.

Sa ibang balita, good news sa lahat ng K-Pop fans dahil bibisita sa bansa ang Korean girl band na Momoland.

Sila ang K-Pop group ang nagpauso ng viral dance moves mula sa kanta nilang “Bboom Bboom”.

Umaasa din ang mga ito na makilala nang personal ang aktres na si Liza Soberano, ang umano’y kalook-alike ng isa sa kanilang miyembro na si Nancy.

Nakatakdang magtungo ang grupo sa bansa sa darating na August 18. | ulat ni Eunice Garcia-Langcauon

Photo courtesy: PTV and Soompi