Boyzone, muling magbabalik-Pinas para mag-concert; Panibagong reklamo laban kay Harvey Weinstein, isinampa ng ikatlong biktima nito
July 04, 2018

Bitter-sweet announcement para sa lahat ng Boyzone fans.

Good news dahil muling magbabalik-bansa ang Irish boyband para mag-perform sa harap ng kanilang Filipino supporters.

Pero ang bad news, huling performance na nila itong magkakasama ngayong plano na ng mga miyembro nito na sina Ronan (Keating), Keith (Duffy), Mikey (Graham), at Shane (Lynch) na maghiwa-hiwalay ng landas kasunod ng selebrasyon sa ika-25 taong anibersaryo ng grupo.

Dekada nobenta nang pakiligin ng Boyzone ang kanilang mga tagahanga sa mga pinasikat nitong kanta gaya ng “Love Me For A Reason”, “No Matter What” at ” Everyday I Love You”.

Sa ibang balita, posible namang maharap hanggang sa habambuhay na pagkakakulong ang American film producer na si Harvey Weinstein.

Ito’y kasunod ng karagdagang kasong isinampa laban kay Weinstein matapos lumutang ang umano’y ikatlong biktima ng film producer.

Inaakusahan ngayon si Weinstein ng panggagahasa, sexual assault at pang-aabuso ng ilang mga nakatrabaho nito sa Hollywood industry.  | ulat ni Eunice Garcia-Langcauon

Photo courtesy: atinitonews.com and dailymail.co.uk