Libingan ng mga hayop, dinalaw din ng kanilang mga amo sa PAWS 
November 02, 2018

Hindi rin kinaligtaan ng mga tao na dalawin ang libingan ng kanilang mga alagang hayop sa compound ng Philippine Animal Welfare Society sa Quezon City.

Pansin ang mga stuffed toys, mga bulaklak at may sinding kandila ang inialay ng kanilang mga amo sa animal memorial wall kung saan makikita ang mukha ng kanilang namatay na alaga.

Ayon kay Steph Sandoval, humane education volunteer ng Philippine Animal Rehabilitation Center, abot na sa 546 ang bilang ng mga hayop ang inilagay sa Pet Memorial Wall.

Aniya, pinakamarami rito ay mga nakalibing na aso at pusa.  May limang bunny o kuneho, isang isda at isang dolphin.

Magkakasama naman sa isang nitso ang mga kalapati at mga pagong.

Magkakasama rin sa isang grupo ang mga baboy.

Sa kabuuan umaabot na sa 5,200 hayop ang nakalibing sa compound sa PAWS, tumaas ng 656 ang bilang ngayong taon.  | ulat ni Rey Ferrer