Malacanang, nagpahatid ng pakikidalamhati sa pagpanaw ng music icon na si Rico J. Puno
October 30, 2018

Nagpahatid ng pakikidalamhati ang Palasyo kaugnay ng pagpanaw ng sikat na singer na si Rico J. Puno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malaki ang naiambag sa music industry ni Puno na tinawag ng tagapagsalita na “the legend.”

Sinabi ni Panelo, na isang personal na kaibigan ang namayapang Original Pilipino Music (OPM) legend na kanya pang naka-duet apat na taon na ang nakakaraan.

Namatay ang music icon kaninang madaling araw sa edad na 65.

Napag-alamang nakatakda pa sanang magtanghal ang mang-aawit sa darating na Nobyembre 23.  | ulat ni Alvin Baltazar