Miss Universe Catriona Gray, iimbitahan ng DND na maging reservist
December 21, 2018

Iimbitahan ng Department of National Defense (DND) si Miss Universe 2018 Catriona Gray na maging reservist sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na umaasang tatanggapin ni Catriona ang kanyang alok.

Ayon kay Lorenzana, kukumbinsihin niya si Catriona na pumasok na reservist sa Philippine Army.

Ayon sa kalihim, magiging malaking karangalan para sa mga sundalo kung makakabisita din si Catriona sa mga kampo ng militar. | ulat ni Leo Sarne