Ms. Universe 2018 Catriona Gray, tunay na  Daragang Magayon at  Uragon
December 18, 2018

Si Ms. Universe 2018 Catriona Gray ay patuloy na binabaha ng pagbati, papuri at suporta, lalong-lalo na mula sa kanyang mga kababayan sa Albay at buong Bicol.  Anila tunay na Daragang Magayon at Uragon ang beauty queen.

Anila,   muling dinala  ng  Albay Queen ang Bulkang Mayon  sa buong universe, mula sa kanyang lava walk at lava gown.

Sinabi ng mga ito na nakakapanindig-balahibo ang tagumpay ni Catriona, lalong-lalo na ang kanyang talino.  Nakita ng buong mundo ang galing nito sa pagsagot at nangibabaw din siya sa pagrampa habang naka swim wear, gown at national costume.

Anila, “Congratulations to our Miss Universe 2018 Catriona Gray, tunay na  larawan ng  galing, talino, at halaga ng mga Filipino.

Sabi pa nila, “she represents the pride and value of all Filipinos,  Albay, Bicol  at Pilipinas  Mabuhay.” | ulat ni Nancy Mediavillo – Radyo Pilipinas Albay