Pambato ng Pilipinas sa Ms. Teen International 2018, wagi
August 08, 2018

Mula sa 46 na kandidata sa pageant, nangibabaw ang ganda ng 15-taong gulang na si Gemili Vista Tocao na tubong Cotabato City.

Ayon sa bagong Ms. Teen International title holder, gagamitin niya ang pagkakataong ito upang i-promote ang Mindanao at tumulong na pagandahin pa ang imahe nito.

Itinanghal namang Miss Teen Princess International second runner-up si Kiara Pineda ng Venezuela at Miss Teen Princess International third runner-up si Ashmita Dhungana ng Nepal.

Samantala, tila prinsesa nang rumampa sa red carpet ng Hollywood premiere ng Crazy Rich Asians si Kris Aquino suot ang kanyang modern Filipiniana Michael Leyva gown.

Sa limang disenyo na kanyang pinagpilian, ang yellow off-the-shoulder gown ang isinuot ng aktres na may accented sleeves at ribbon sa baywang.

Nagsilbi namang escort nito ang anak na si Bimby na looking dashing din sa suot na barong.

Ginampanan ni Kris ang papel ng Malay Princess na si Princess Intan sa naturang pelikula.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Photo courtesy: Missosology