Pambato ng Spain sa Miss Universe 2018, isang transwoman; Aktres na si Liza Soberano, buntis nga ba?
July 02, 2018

Lumikha ng kasaysayan ang bagong pambato ng bansang Espanya para sa Miss Universe 2018.

Sa kauna-unahang pagkakataon kasi, isang transwoman ang nakasungkit ng korona bilang kinatawan ng Spain para sa prestihiyosong beauty pageant.

Wagi bilang Miss Universe Spain ang 25-year old candidate na si Angela Ponce.

Taong 2012 nang pahintulutan ng Miss Universe Organization ang mga transgender contestant na sumali sa naturang kompetisyon.

Sa ibang balita, nagulat ang fans ni Liza Soberano sa ipinost nitong larawan sa social media.

Ultrasound ito ng kambal na sanggol sa sinapupunan with matching caption sa excitement na dala nito para sa susunod na taon.

Pero sa dulo ng mensahe, prank lang pala ito na ini-repost ng aktres. | ulat ni Eunice Garcia-Langcauon

 

Photo courtesy: YouTube and Tempo