Production team ng teleseryeng Ang Probinsyano, humingi na ng dispensa sa aktor na si Dingdong Dantes matapos gamitin ang family photo nito nang walang paalam
August 15, 2018

Humingi ng dispensa ang production team ng FPJ’s Ang Probinsyano kay Dingdong Dantes at sa pamilya nito sa paggamit ng family photos ng Kapuso actor nang walang pahintulot.

Sa November 9, 2017 episode kasi ng teleserye, Natuklasan ng DongYanatics, ang fans club nina Dingdong at Marian na ang ipinakitang larawan nina Joko Diaz at Mickey Ferriols na may hawak na isang baby ay kuha sa binyag ng anak nina Dingdong at Marian na si Zia

Sa  pahayag ng pamunuan ng teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin sa ABS-CBN nilinaw nilang wala silang masamang intensiyon sa paggamit ng mga larawan ng pamilya ni Dingdong.

May third-party contractor daw ang show na binabayaran upang mag-handle sa lahat ng props ng palabas.

Hindi raw alam ng management na ang mga larawang ginamit sa dalawang episodes ay mula sa kasal nina Dingdong at Marian Rivera at sa binyag ng anak nilang si baby Zia.

Matatandaang isang sulat ang ipinadala ni Dingdong sa production team noong August 11, kung saan pinuna nito ang paggamit ng kanilang mga larawan sa dalawang episodes ng show nang walang paalam.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Photo courtesy: Short Biography and Coco Martin