Rachelle Ann Go, na-starstruck sa espesyal na panauhin sa pagtatanghal ng musical na “Hamilton”
August 31, 2018

Hindi naitago ng Pinay singer at theater actress na si Rachelle Ann Go ang kanyang excitement kasunod ng espesyal na pagtatangal ng West End Production ng hit musical na “Hamilton”.

Ito ay dahil sina Prince Harry at asawang si Meghan Markle lang naman ang kanilang naging audience.

Aniya, once in a lifetime experience na magtanghal sa harap ng royal couple.

Ang special performance ay bahagi ng charity event ng Kensington Palace kung saan ang kinita nito ay mapupunta sa isang South African organization na tumutugon sa pangangailangan ng mga batang may HIV/AIDS.

Ginagampanan ni Go ang karakter ni Eliza Hamilton, asawa ng founding father ng United States na si Alexander Hamilton.

Bukod kay Go, kasama rin sa cast si Christine Allado, isa pang Pinay na na-starstruck din kasunod ng pagtatanghal para sa Duke at Duchess of Sussex.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Photo courtesy: SPOT.ph