Tatanghaling Goddess of Albay sa Ms. Earth Swim Wear Competition, pasok ng finalist
October 20, 2018

Sinabi ni  Ms. Vangie Imperial, organizer ng pageant, ang tatanghaling  Goddess of Albay sa  Ms. Earth Swim Wear Competition sa Lungsod ng Legazpi mamayang gabi,  ay  tiyak nang  finalist sa coronation night sa Mall of Asia sa darating na Nobyembre 3.

Bukod sa Goddess of Albay,  ang dalawa pang award na ibibigay ay ang best in long gown  at swim suit.

Binigyang-diin ni Imperial, na ang  tatlong nabanggit na special awards na tatanggapin ng mananalong kandidata ay pawang pasok na sa top ten finalists.

Tinuran din niyang, ang isusuot  na gown ng mga kandidata sa long gown competition ay gawa ng mga local designer sa Albay.

Aniya, malaki ang impact nito sa turismo ng Lungsod ng Legazpi at Albay, dahil ipapakita sa buong mundo ng Ms Earth organizer ang  local ecotourism places sa Albay, mga produkto, pagkain at talento ng mga Albayano.

Samantala, pupuntahan naman ng mga kandidata ang Lungsod ng Tabaco, na tinaguriang Padyak Capital sa bansa at magpa- padyak ang  mga ito.

Pupunta din sila sa Bayan ng Camalig upang magtanim at magpipinangat making din ang mga ito.

Habang sa pagpunta naman nila sa Bayan ng Guinobatan ay  magsasagawa ng demo ng Longganisa making. | ulat ni Nancy Mediavillo