Tawag ng Tanghalan kids, nakuha ang atensyon ng iconic rock band na ‘Queen’
June 25, 2018

Napahanga ng Tawag ng Tanghalan kids na sina Francis Concepcion, Kiefer Sanchez at Mackie Empuerto ang atensyon ng iconic rock band na Queen.

Ito’y matapos ipalabas ng US talent show na Little Big Shots ang video clip ng performance ng tatlo kung saan inawit nila ang “Somebody to Love” ng Queen.

Napanood ni Brian May isa sa mga miyembro ng banda ang clip at agad na ibinahagi sa Facebook.

Una nang napahanga ng tatlong bata ang grupong Bee Gees matapos awitin ang kanilang kantang “Too Much Heaven”.

Samantala bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila ng co-founder at drummer ng heavy metal band na Pantera na si Vinnie Paul

Sa kanilang Facebook page ay nag-post ng isang pahayag ang Pantera ukol sa pagkamatay ng 54-year old icon.

Binuo ni Paul, na Vincent Paul Abbott sa totoong buhay, at ng kanyang kapatid na si Dimebag Darrell ang Pantera noong 1981. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

(Photo courtesy:  youtube.com)