Throwback photo ni 1973 Miss Universe Margie Moran, umani ng likes sa Instagram; Joe Jackson, inihatid na sa kanyang huling hantungan
July 04, 2018

Muling nabighani ang mundo sa ganda ni 1973 Miss Universe Maria Margarita “Margie” Moran kasunod ng throwback post ng official Miss Universe Instagram account.

Makikita sa litrato si Moran na looking radiant and elegant habang pinalilibutan ng press.

Si Moran ang ikalawang Pinay beauty queen na nakasungkit ng korona sa prestihiyosong patimpalak.

Samantala, sa isang pribadong seremonya ay inihatid na sa kanyang huling hantungan ang patriarch ng Jackson family na si Joe Jackson.

Tanging mga kapamilya at malalapit na kaibigan lamang sa industriya ang dumalo sa kanyang libing sa Forest Lawn Memorial Park. Dito rin nakalibing ang kanyang anak na si King of Pop Michael Jackson.

Nakaraang linggo pumanaw si Joe sa edad na 89 dahil sa pancreatic cancer.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Photo courtesy:  beautytipsmart.com