5 patay sa karambola ng 12 sasakyan sa Daraga, Albay
October 19, 2018

Lima ang patay sa nangyaring karambola ng 12 sasakyan sa Barangay Busay, Daraga, Albay kaninang 9:51 ng umaga.

Sa report ng Albay Provincial Police Office na nakarating sa Kampo Crame, apat sa mga nasawi ang “dead on the spot”.

Isa pa ang idineklarang “dead on arrival” sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City.

Pito naman ang naitalang sugatan at kasalukuyan nang nagpapagamot sa nabanggit na ospital.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Daraga Municipal Police Station, hinggil sa pagkakakilanlan ng mga nasawi gayundin ng mga sugatan sa naturang insidente.  | ulat ni Leo Sarne