AFP, bababalik sa Normal Alert kapag maproklama na ang nagwaging national candidates 
May 16, 2019

Babalik sa White o Normal Alert ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa oras na maproklama na ang mga nagwaging national candidates sa nakalipas na halalan.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo matapos na ibaba ng AFP sa Blue Alert ang kanilang Red Alert status epektibo kahapon ng alas-12:00 ng tanghali.

Ayon kay Arevalo, ang rekomendasyon na ibaba sa Blue Alert status ay inaprubahan ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal matapos na maiproklama ang karamihan sa local candidates.

Paliwanag ni Arevalo ang Blue Alert status ay nangangahulugan na 50 porsyento ng kanilang pwersa ay mananatiling naka-duty sa labas ng regular na oras ng trabaho, kumpara sa 100 porsyento sa Red Alert.  | ulat ni Leo Sarne