AFP Chief Madrigal at 2 pang heneral, ginawaran ng karagdagang estrella
January 11, 2019

Natanggap na ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal ang kanyang pang-apat na estrella.

Si Defenese Secretary Delfin Lorenzana at dating AFP Chief of Staff retired General Victor Ibrado ang nagsabit ng 4-Star insignia kay Madrigal sa donning ceremony kahapon sa Department of National Defense (DND)  building sa Camp Aguinaldo.

Ang promosyon ni Madrigal bilang 4-star general ay kasunod ng kanyang pagkakahirang bilang pinuno ng AFP noong Disyembre sa pagreretiro sa serbisyo ni dating AFP Chief Carlito Galvez Jr.

Sa hiwalay na seremonya, tumanggap din ng karagdagang estrella si dating Maj. Gen. na ngayo’y Lt. General Noel Clement, ang acting commander ng Central Command.

Kasama ding na-promote si dating Brig. Gen. na ngayo’y Major General Pablo Lorenzo, ang deputy chief of staff for Intelligence, J2.  | ulat ni Leo Sarne

Photo courtesy: AFP PAO