Apat na sundalo sugatan, isa patay sa sagupaan nito sa NPA sa Lupon, Davao Oriental
September 13, 2018

Apat na sundalo ang sugatan at isa ang namatay matapos maka-engkwentro ng tropa ng kasundaluhan ang New People’s Army (NPA) kahapon ng umaga sa Lupon, Davao Oriental.

Sa report ng Police Regional Office XI, nangyari ang sagupaan nang magsagawa ng foot patrol ang mga sundalo sa Sitio Sigang, Barangay Maragatas, Lupon, Davao Oriental, at kanilang makatagpo ang mga miyembro ng CPP-NPA.

Umabot sa dalawampung minuto ang bakbakan ng magkabilang panig na nagresulta sa pagkasugat ng apat na sundalo at isang tropa naman ang killed in action.

Sa panig ng NPA, isa ang pinaniniwalaang napatay sa engkwentro, na patuloy pang kinikilala.

Isang M16 rifle armalite ang na-recover mula sa encounter site. | ulat ni Ruth Dumandan – DXRP Radyo Pilipinas Davao