Bikoy, isinugod sa PNP General Hospital 
May 24, 2019

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde na isinugod sa PNP General Hospital si Bikoy kaninang umaga.

Ito,y matapos na makaranas ng pagkahilo dahil sa high blood kung saan umabot sa 130/90 ang blood pressure ni Advincula.

Kasalukuyang inoobserbahan ang kondisyon ni Advincula at payo ng mga doktor sa PNP General Hospital ay kailangan lang magpahinga ni Advincula.

Bago ito, si Advincula ay nakaditine sa (CIDG) Custodial Center matapos sumuko sa PNP at naghihintay lang na makapagpiyansa sa kanyang mga kinakaharap na kaso.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Bernard Banac, mananatili sa ospital si Advincula hangga’t walang advice sa doktor na maari na itong i-release.  | ulat ni Leo Sarne