British national na nag-ooperate ng marijuana plantation sa Subic, Zambales, arestado
January 11, 2019

Arestado sa pinagsanib na operasyon ng Philippine National Police (PNP) Region 3 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang British national na nag-ooperate ng marijuana plantation sa loob ng isang subdivision sa Subic, Zambales.

Kinilala ang British national na si Simon Steward McLawrence Watson, na nahaharap sa patong-patong na kaso ng paglabag sa Sections 5, 8, 11, 12, 16 at posibleng Section 15 ng RA9165.

Kasamang inaresto sa isinagawang buy-bust operation kaninang pasado alas-2 ng madaling araw, ang Pilipinang kinakasama ng Briton na si Rizza Fernandez.

Narekober mula sa tahanan ng mga suspek sa Blk. 13 Lot 4, Magdalena Homes, Subic Zambales ang 70 halamang Kush, na mataas na uri ng marijuana at mga laboratory equipment. | ulat ni Leo Sarne