Dalawang pulis na kinidnap sa Sulu, malaya na
May 16, 2018

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde na pinakawalan na ang dalawang babaeng pulis na kinidnap sa Patikul, Sulu.

Ayon sa PNP chief, pinakawalan ang dalawang pulis na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad sa PNP provincial director at dadalhin sila sa bahay ng gobernador.

Sinabi ni PNP chief na sasailalim sa medical treatment at debriefing ang dalawang pulis kasunod ng kanilang release.

Magugunitang unang napalaya ang dalawang sibilyan na kasama ng 2 pulis noong sila’y dinukot dahil sa walang tigil na pursuit at rescue operations ng militar sa mga kidnapper.

Sinabi ni Albayalde na maaring ito rin ang dahilan ng pagkaka-release sa dalawang pulis. | via Leo Sarne