DDB, iginigiit ang pagtanggal sa serbisyo ng gov’t officials at employees na magpopositibo sa iligal na droga sa unang offense pa lang
July 13, 2018

Isinusulong ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang mas pinahigpit na panuntunan sa mga ahensya ng gobyerno gayundin sa pribadong sektor laban sa mga tauhan nitong posibleng nasa impluwensiya ng iligal na droga.

Ayon kay DDB Chairman Secretary Catalino Cuy, dapat istriktong maipatupad ang DDB Board Regulation No. 2, Series of 2017 na may mandato na tanggalin sa serbisyo kahit sa unang offense pa lamang ang sinumang opisyal o empleyado ng gobyerno na mapatutunayang positibo sa iligal na droga.

Kabilang dito ang law enforcers, military officers, mga guro at iba pang autoridad

Ayon kay Cuy, ang paggamit ng droga ay katumbas ng isang seryosong paglabag at serious grave misconduct na may katapat na kaparusahan na dismissal.

Pinaalalahanan ni Cuy ang lahat ng tanggapan, mapa-gobyerno o pribado na magpatupad ng drug-free workplace program.

Kabilang na dito ang paglikha ng drug-free workplace policy, substance abuse awareness programs at pagsasagawa ng drug testing. | ulat ni Rey Ferrer