Development sa kaso ng pagpaslang kay Mayor Bote, ikinatuwa ng Pangulo
July 12, 2018

Personal na hiningian ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ng update kaugnay ng ilang kaso ng pagpatay sa mga lokal na opisyal.

Kabilang na dito ang naging kaso ng pagpaslang kay Gen. Tinio, Nueva Ecija Vice Mayor Ferdinand Bote kung saan dalawang suspek ang nahuli na ng mga kagawad ng PNP.

Ikinatuwa aniya ng Chief Executive ang nabanggit na development dahilan upang batiin o i-congratulate si PNP Chief Albayalde.

Kabilang si Albayalde sa mga personalidad na dumalo sa ipinatawag na Cabinet Security Cluster Meeting na ginawa kagabi.

Tumagal ang Security Cluster Meeting ng mahigit sa limang oras na nagsimula bago mag alas-4:00 ng hapon at natapos ng 9:30 ng gabi.  | ulat ni Alvin Baltazar