Ikalawang anibersaryo ng Marawi seige, ginunita kahapon sa Marawi at Fort Bonifacio 
May 24, 2019

Ginunita na ng Philippine Army’s 103rd Infantry Brigade ang ika-dalawang taong anibersaryo ng Marawi seige sa Camp Ranao sa Lungsod ng Marawi kahapon ng umaga.

Pinangunahan ang paggunita ni Office of Presidential Assistant on the Peace Process Carlito Galvez.

Bahagi ng programa ay ang wreath-laying ceremony sa Memorial for the Marawi Fallen Heroes sa naturang kampo.

Dito naman sa Maynila, isang programa ang isinagawa ng Philippine Army sa Marawi Memorial Pylon, Libingan ng mga Bayani, Fort Andres Bonifacio, Taguig.

Ayon kay Philippinr Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, bahagi ng programa ay ang pagkilala sa mga sundalo na lumaban sa loob ng limang buwan para mapalaya ang Marawi sa panghahasik ng terorismo sa lungsod laban sa ISIS-inspired terrorist group.  | ulat ni Leo Sarne

(Photo courtesy:  Philippine Army)