Independence Day celebration, pangkalahatang mapayapa 
June 13, 2019

Pangkalahatang mapayapa ang pagdiriwang ng ika-121 Araw ng Kalayaan kahapon.

Ayon kay (PNP) Spokesperson Police Col. Bernard Banac walang na-monitor na major untoward incident ang PNP sa mga aktibidad na idinaos sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nagkaroon lang aniya ng ilang mga maliliit na kilos-protesta sa US Embassy sa Manila at sa Chinese Embassy sa Makati.

Samantala, sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, nagtapos na rin kaninang hatinggabi ang nationwide gun ban.

Malaya na ang mga lehitomong gun owners na may balidong Permit to Carry Firearms Outside of Residence na muling magdala ng lisensyadong baril simula sa araw na ito.  | ulat ni Leo Sarne