Kontra Abuso Hotline, opisyal nang inilunsad ng NFA
July 12, 2018

Maipararating na ng publiko sa National Food Authority sa mas mabilis na paraan ang kanilang reklamo o sumbong lalo na kung ito may kinalaman sa isyu ng NFA rice.

Simula ngayong araw Hulyo 12, binuksan na ng NFA ang kanilang Kontra Abuso Hotline na 09278715921.

Maaari nang gamitin ito bilang sumbungan ng bayan at paraan upang makalahok ang publiko sa monitoring ng murang bigas sa mga pamilihan.

Ang hotline ay pangangasiwaan ng NFA Task Force Kontra Abuso sa ilalim ng Security Services and Investigation Department at bukas 24-oras sa loob ng isang linggo para tumanggap ng mga sumbong o concerns mula sa publiko.

Sa programang ito madali na para sa publiko na isumbong ang mga magsasamantalang rice retailers na gumagawa ng katiwalian sa pagbebenta ng NFA rice.

Pagtiyak ng NFA, lahat ng reklamo na kanilang matatanggap ay aaksyunan sa loob ng 72-oras na time frame.

Bukod sa Kontra Abuso Hotline, bukas pa rin para tumanggap ng complaints at requests ang Txt NFA number 09064363133 at government hotline na 8888.  | ulat ni Rey Ferrer