Nasa 201 kadete ng PNPA Class of 2019, nagtapos ngayong araw
March 22, 2019

Nasa 201 kadete ng Sansiklab Class of 2019 ng Philippine National Police Academy (PNPA), ang nagsipagtapos ngayong araw, sa Camp Gen. Mariano Castañeda, Silang, Cavite.

Ang mga graduates ay sumailalim sa apat na taong Bachelor of Science in Public Safety cadetship program ng PNPA, na siyang ia-appoint sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) o Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Mula 20,000 applicants na sumubok pumasok sa PNPA noong taong 2014, 1,400 lamang ang nakapasa, habang 348 lamang dito ang nagpatuloy sa PNPA at 201 mula sa bilang na ito ang nagtapos ngayong araw.

Sa 201 graduates, 138 dito ay magiging bahagi ng Philippine National Police.

22 dalawa naman ang magiging bahagi ng BJMP, habang 41 kadete naman ang magiging bahagi ng BFP.

Sa talumpati ng kanilang valedictorian na si PInsp Jervis Allen Ramos, sinabi nito na sa oras na ganap na silang lumabas sa akademya, maraming hahadlang o susubok sa kanilang katapatan at prinsipsyo, gayunpaman, mananatili aniya ang kanilang paninindigan sa kung ano ang tama at nararapat para sa taumbayan.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama sina Vice President Leni Robredo, DILG Sec. Eduardo Año, PNP Dir. PCSupt. Jose Chiquito Malayo, at Philippine Public Safety College President Dr. Ricardo de Leon.  | ulat ni Racquel Bayan