Pag-deploy ng Marine Battalion Landing team 8 sa Sulu, bahagi ng rotation – WesMinCom
June 13, 2019

Nilinaw ni Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WesMinCom), na bahagi lang ng rotation ng mga tropa ang pag-deploy ng Marine Battalion Landing Team 8 sa Sulu.

Wala aniyang madadagdag sa kasalukuyang deployment ng Marines sa Sulu, dahil papalitan lang ng MBLT 8 ang MBLT 3, na idedeploy naman sa Palawan.

Paliwanag ni Besana, kailangan na kasing sumailalim sa regular na “retraining” at “refurbishing” ang MBLT-12 na nasa Palawan, kaya papalitan sila ng MBLT 3.

Magkakaroon lang aniya ng realignment ng mga puwersa sa Sulu, kapag makumpleto na ngayong linggong ito ang deployment ng bagong buong 1st Combat Brigade Team ng Philippine Army sa Sulu.

Ang 1st Combat Brigade Team ang mangunguna sa pagtugis sa mga teroristang Abu Sayyaf. | ulat ni Leo Sarne