PNP Chief, nagpasalamat sa Pangulo, Kongreso sa paglipat ng PNPA sa PNP
May 24, 2019

Nagpahayag ng pasasalamat si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde sa Pangulo at Kongreso sa pormal na paglipat ng pangangasiwa ng Philippine National Police Academy sa PNP mula sa Philippine Public Safety Colleges (PPSC).

Ito ay matapos na pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11279.

Una nang sinabi ni Albayalde na matagal na nilang hinihiling na ang PNP na ang direktang humawak ng pagsasanay ng mga kadete para maikintal ang “military discipline” sa mga magiging susunod na opisyal ng PNP.

Ngayon ay responsibilidad na ng PNP na siguruhin na walang pang-aabuso na maganap sa akademiya at maayos ang pagsasanay sa mga kadete para maging matitinong mga opisyal ang mga ito.

Kung meron pa aniyang mga pasaway na produkto ang PNPA sa darating na panahon, ay wala nang ibang masisisi kundi ang PNP.  | ulat ni Leo Sarne