PNP Chief, tiniyak ang masusing imbestigasyon sa pag-ambush kay Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot
May 17, 2018

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde ang masusing pag-imbestiga ng PNP sa pang-aambush kay Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot.

Ito’y matapos na manawagan sa PNP ang mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) class of 1982 na agarang panagutin ang mga responsable sa krimen.

Ayon kay Albayalde, normal lang na suportahan ng PMA class of 1982 si Loot dahil magkakaklase ang mga ito sa akademya.

Sinabi pa ni Albayalde, kung may impormasyon si Loot na makakatulong sa mas mabilis na pagresolba ng kaso ay makipag-usap lang siya sa PNP.

Una ng ipinahiwatig ni Loot na isang pulis ang umano’y involved sa hindi matagumpay na pag-ambush sa kanya at sa kanyang pamilya noong Linggo sa New Maya Port Daangbantayan Cebu. | via Leo Sarne