PNP, nakiusap na itigil na ang pagbatikos sa kapulisan dahil sa sunud-sunod na insidente ng patayan sa bansa 
July 12, 2018

Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde sa publiko na imbes na batikusin ang kapulisan ay makipagtulungan na lang ang publiko para maresolba ang mga kaso ng patayan sa bansa.

Paliwanag ni Albayalde, kahit isolated cases ang mga patayang nangyari lalo na sa ilang lokal na opisyal ay hindi ito binabalewala ng pulisya.

Puspusan aniya ang kanilang pagtatrabaho para maresolba ang anumang kaso ng patayan, mapa-pulitiko, VIP o ordinaryong tao man ang biktima.

Magmula nang nakalipas na linggo hanggang kagabi ay apat na lokal na opisyal na ang napatay sa pamamaril, bukod pa sa mga namamatay sa mga operasyon ng PNP. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion