PNP, tiniyak na pananatilihin ang peace and order sa paggunita ng Ramadan
May 17, 2018

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na aktibong magbabantay ang mga pulis para panatilihin ang peace and order sa paggunita ng Ramadan.

Sa isang statement, ipinaabot rin ni PNP Spokesperson CSupt. John Bulalacao ang pagbati sa Muslim community sa kanilang paggunita ng Ramadan.

Kagabi nagsimula ang isang buwang fasting, reflection at prayer ng buong Muslim community.

Kasabay nito, nanawagan si Bulalacao sa mga kapatid na Muslim na maging vigilant sa panahong ito para hindi makapagsamantala ang mga may masamang balakin.

Ipagbigay-alam lang aniya sa mga otoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang kapaligiran. | via Leo Sarne