PNP: Walang special treatment kay Bikoy
May 24, 2019

Walang special treatment na ibinibigay kay Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy, habang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ito ang tiniyak ni Lt. Col. Arnold Ibay, hepe ng CIDG-NCR, kasabay ng pagsabi na “temporary” lang naman ang pananatili ni Bikoy sa kanila, dahil “bailable” naman ang offense nito.

Sa oras aniya na makapag-piyansa si Bikoy at matanggap ng CIDG ang release order mula sa korte, ay agad din nila itong pakakawalan.

Sa ngayon ay nasa isang ordinaryong selda sa CIDG custodial facility si Bikoy, kung saan, kasama niya sa selda ang 11 pang ibang mga suspek.

Sinabi naman kahapon ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde, na handa ang PNP na bigyan ng proteksyon si Bikoy kung mag-request ito.

Pero, sasailalim muna ito sa threat assessment, kung may lehitimong panganib sa kanyang buhay. | ulat ni Leo Sarne