Sen. Binay, nanawagan ng hustisya sa pamamaril sa exec. sec. ni ex-Mayor Jun-Jun Binay
March 22, 2019

Nanawagan si Senador Nancy Binay sa Pambansang Pulisya para sa agarang pagkakalutas ng kaso ng executive secretary ni dating Makati Mayor Jun-Jun Binay.

Sa isang pahayag, kinundena ng senadora ang nangyari sa 44 na taong gulang na si Monette Bernardo.

Binaril pasado alas-8:00 kagabi si Bernardo ng mga hindi pa nakikilalang suspek, sa tapat mismo ng bahay nito sa Barangay Olympia, Makati City.

Ayon sa senadora, itinuturing na nilang bahagi ng pamilya si Bernardo kaya’t panawagan nila ang hustisya para sa nangyari dito.

Una nang sinabi ni dating Mayor Jun-Jun Binay na posibleng politically motivated ang pangyayari.  | ulat ni Nimfa Asuncion