Sunog sa Naval Ordinance Depot sa Sangley Point, naapula na
November 09, 2018

Naapula na ang sunog sa Naval Ordinance Depot na pinag-iimbakan ng mga armas sa Sangley Point Cavite.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Jonathan Zata, nagsimula ang sunog ng alas-5:30 ng umaga at idineklarang fire-out ito ganap na alas-7:53 ng umaga, nang mga rumespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa naganap na sunog, hindi naman nanganib na kumalat ito sa buong base dahil may bomb shelters ang ordinance depot.

Malayo rin daw ito sa residential area pero bilang bahagi ng operational procedures, inalerto ang mga residente at inabisuhan na magtungo sa evacuation areas.

Sa ngayon inaalam pa nila ang naging dahilan ng sunog habang wala naman naitalang nasugatan sa naganap na sunog. | ulat ni Leo Sarne