119 minors, nahuling pagala-gala sa hatinggabi
March 15, 2019

Umaabot sa 119 ang bilang ng mga minor na nahuling pagala-gala pa din sa hatinggabi.

Sa tala na nakarating sa National Capital Region Police Office (NCRPO), lumalabas na ang Southern part ng Metro Manila ang may mataas na bilang ng lumalabag sa mga city ordinance partikular na sa curfew hour. Mula kagabi hanggang kaninang alas-5 ng umaga ay nasa mga istasyon ng pulisya ang mga menor de edad na inaresto.

May 57 ang naaresto sa Taguig City, habang 21 naman ang sa Muntinlupa City, 17 sa Makati, 13 sa Parañaque at 11 sa Las Piñas.

Pinapayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga magulang na huwag hayaan na gumagala ng dis-oras ng gabi ang mga anak.

Maliban sa curfew hour, may mga pasaway ding mamamayan na nag-iinuman sa kalsada, kung saan 56 na mga manginginom ang inaresto, at 47  naman ang nahuling naninigarilyo sa pampublikong lugar. | ulat ni Ariel Fernandez