Combat operations ng AFP at PNP laban sa CPP-NPA sa Negros Oriental, mas paiigtingin
February 17, 2019

Mas lalo pang magiging agresibo sa combat operations ang Philippine Army (PA) at Phil National Police (PNP)laban sa CPP-NPA-NDF sa Negros Oriental.

Ito ang pahayag ni Lt Col Randy Pagunuran, ang Commander ng 94 Infantry Batallion ng Philippine Army na nakabase sa lalawigan kasunod ng direktiba ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Iniutos ng gobernador sa Philippine Army at PNP forces na tapusin na ang insurgency problem ng lalawigan at sugpuin ang teroristang NPA.

Nairita na rin ang lokal na opisyal sa mga ginagawa ng NPA, tulad ng mga paglikida sa mga government official at inosenteng sibilyan, at pagsunog ng mga heavy equipment na ginagamit sa konstruksyon ng kalsada sa mga barangay sa lalawigan.

Una nang idineklara ng 15-member European Union na mga foreign terrorist groups ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army. | ulat ni Rey Ferrer