35 bayan sa Bicol, kasama sa top 100 areas sa bansa na may mataas na kaso ng malnutrisyon
July 13, 2018

Pinangalanan ng National Nutrition Council-Bicol, ang mga bayan sa rehiyon na mataas ang kaso ng malnutrisyon batay sa pagsusuri ng Food Nutrition and Research Institute (FNRI).

Sinabi ni Marlyn Valeza ng NNC Bicol, ang 35 bayan sa Bicol ay kasama sa top 100 areas sa bansa na mataas ang kaso ng underweight kung saan 25 sa stunting o sobrang bansot at 17 sa wasting o sobrang payat.

Sa anim na probinsiya sa Bicol, ang Masbate ay may 22 bayan.  Batay sa tatlong parametrong pinagbatayan sa survey ng FNRI.  Ito ang stunting, underweight at wasting.  Sa Camarines Sur may 21 bayan — Sorsogon 13, walo sa Albay at Camarines Norte, at lima sa Catanduanes.

Sa Catanduanes walang bayang pumasok sa stunting, Samantalang wala naman sa Sorsogon sa wasting.

Ayon kay Valeza, ang Camarines Sur at Masbate ay prayoridad ng pamahalaan sa implementasyon ng Early Warning System for Food, Nutrition and Security.  Layon nitong mabigyang solusyon ang mataas na kaso ng malnutrisyon sa dalawang probinsiyang nabanggit.  | ulat ni Nancy Mediavillo