Environmental group, nadismaya sa naudlot na pag-alis ng basura ng Canada sa bansa, matapos ang deadline kahapon
May 16, 2019

Nagpahayag ng pagkadismaya ang waste and pollution watch group na EcoWaste Coalition sa hindi natuloy na pag-aalis ng 69 na container ng nabubulok na basura na nakaimbak sa Manila at Subic Ports.

Gayunpaman, bagamat natapos na ang deadline kahapon para ibalik sa Canada ang mga angkat na basura, umaasa pa rin ang Ecowaste Coalition na mareresolba ito.

May ipinadala nang sulat sa pamamagitan ng e-mail ang EcoWaste Coaltion noong Mayo 7 sa Canadian government na humihiling na pabilisin ang pag-alis ng kanilang basura sa bansa.

Tinugon naman ito ng Prime Minister’s Office noong Mayo 10 at tiniyak na maaaksyunan ang kanilang kahilingan.

Una na ring nagbigay ng ultimatum si Pangulong Rodrigo Duterte sa Canadian government na pabilisin ang pag-alis ng kanilang basura na iligal na ipinasok sa bansa.  | ulat ni Rey Ferrer